Pork and Justice

tubig ilog, andyan na samin!!!

Noong isang linggo lamang ay todo-panic ang mga tao dito sa Marikina at iba pang lungsod sa NCR pati na rin ibang mga probinsya sa Luzon dahil sa matinding pag-ulan dala habagat at bagyong Maring.

Salamat sa Diyos at hindi kami pinasok ng baha sa aming tahanan. Kung tutuusin, yung ganong kataas ng water level ng Marikina river ay dapat may tubig na kami sa loob, pero ayun, nasa labas lang. Mabuti at mas maganda na rin ang drainage system ng aming lungsod at talagang masasabi kong mas handa at orginasado na ang Marikina LGU pati na sa iba pang bayan.



Pero bakit hinahayaan nga ba ng Diyos na maghirap ang ating bansa dahil sa kalamidad?

Upang gisingin at turuan tayong mga tao na magkaroon ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kapaligiran at likas na yaman!

Sobrang obvious naman, hindi ba? na kung anong tinapon mo ay babalik sa’yo!

Upang maihayag din ang mga kabulukan sa sistema ng isang bayan at ng kanyang gobyerno!

Sobrang obvious naman, hindi ba? Ang resulta ng quarrying at pagputol ng mga puno!

Upang mapaalalahan din tayo na mayroong “higher power” na may kontrol ng panahon at takbo ng buhay.

Sobrang obvious naman, hindi ba? Lahat ay lumilipas lamang. Kahit gaano kadami ang iyong pag-aari dito sa mundo, kung gusto kunin sa iyo ng Diyos iyon sa pamamagitan ng kulog at kidlat na may kasamang lindol at buhawi ay makakaya Niya! Kung ito lang ba ang paraan para tawagin mo Siya at humingi ng kapatawaran sa pagiging makasarili natin bilang tao.

The Lord said, "if my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven, and I will forgive their sin and will heal their land".   [ 2 Chronicles 7:14 NIV ]

Katulad ng “Million People March” na ginanap nitong Lunes, August 26, 2013, Araw ng mga Bayani… may nagtatanong kung matagumpay ba ito o hindi dahil kinapos sa isang milyong tao ang dumalo sa Luneta at Mendiola para maipabatid sa pamahalaan ang pag-ayaw ng taumbayan sa kabahuan ng anomalya sa pork barrel! 

Maganda ang tugon ni Pastor Ronald Molmisa sa kanyang Facebook status...

Sabi ko naman sa aking FB status:

"lahat tayo nanakawan, yan ang totoo!"
maaaring yung iba nakinabang naman - pero nanakawan din sila... 
nanakawan sila ng kunsensya at kaluluwa, tsk!

Hindi ako nakadalo sa kilos protestang ito dahil may gawain din kami sa aming simbahan kanina at salamat sa Diyos na nagamit din ang aming simbahan upang mamigay ng relief sa mga nabahang kababayan sa San Mateo, Rizal. Ngunit saludo talaga ako sa mga disiplinadong nagtungo sa Luneta at sa mapayapang naging kaparaanan nila. Pwede naman palang ganito. Nalulungkot lang ako sa protest version naman sa Mendiola - sorry, pero hindi ako sang-ayon sa nangyaring vandalism, haay.

'Million People March' in Luneta, original photo via Yahoo PH News

Sabi nga’y simula pa lamang ang araw na ito sa malakihang pagmulat ng mga tao at kagutuman sa paghahanap ng hustisya.


Our LORD is a God of justice! Sana’y huwag din tayong tumigil manalangin para sa ating bansang Pilipinas at pati na ang mga nakaluklok sa gobyerno dahil walang imposible sa ating Diyos! 

Naalala ko tuloy ang linya sa isang awitin ng Hillsong United na Nova, sabi dito ay "let all injustice shut its mouth"


Marami ngayon ang naghahanap ng agarang aksyon at kaparusahan mula sa ating Diyos... Oo, masakit talaga ang garapalang pagnanakaw sa kaban ng bayan! Pero alalahanin din nating may tamang panahon ang lahat at may sarili rin Siyang kaparaanan na hindi natin basta mauunawaan pero sigurado tayong lahat ay nakikita Niya at wala Siyang basta lang pinapalampas!


right click the image and open the link in new tab/window for larger view and free download ^-^ 
Isaiah 61:8 “For I, the Lord, love justice; I hate robbery and wrongdoing. 
In my faithfulness I will reward my people and make an everlasting covenant with them.

Comments