ALL GOOD dahil kahit ano man ang mangyari sa akin araw-araw…
pangit man ang tingin ko doon minsan ay palagi pa ring lumilipas lang at may
natututunan akong bago at pwedeng paghusayin pa sa aking sarili. Sabi nga sa Romans
8:28, "And we know that for those who love God ALL THINGS WORK TOGETHER FOR
GOOD, for those who are called according to his purpose."
FUN kasi sa bawat desisyong ginagawa ko at kahit walang kasiguruhan
kung maganda ba ang magiging resulta – ay natuto naman akong magpahalaga at mag-enjoy!
Salamat sa Diyos tinuruan Niya ako kung ano ba talaga ang “faith”. Sa Hebrews
11:1 sinasabi doon na: "Now faith is BEING SURE of what we hope for and
certain of what we do not see." Ang hirap kapag maiksi ang pasensya mo at
madalas kang mag-alala pero sa taong ito ko natutunan ang maghintay at manatili
sa mga gagawin ng Diyos sa buhay ko.
BLESSED dahil buong taon hindi ako pinabayaan ng Diyos, pati na rin ang pamilya ko ay inalagaan Nya. Matagal man akong wala pang full-time work ay di naman ako nawawalan ng freelance projects mula nang mag-resign ako sa huli kong trabaho at palaging may “provision in many ways” ang dumarating at hindi ko inaasahan. Masaya rin akong magkaroon ng mga bagong matatapat na kaibigan lalo na sa loob n gaming simbahan. Isama mo na din sa taong ito ang nakapagbakasyon sa ibang bansa ang nanay ko – doon kung nasaan ang kapatid ko. At sa loob ng 3 buwang wala siya ay nakaya kong mabuhay ng solo hehe!
BLESSED dahil buong taon hindi ako pinabayaan ng Diyos, pati na rin ang pamilya ko ay inalagaan Nya. Matagal man akong wala pang full-time work ay di naman ako nawawalan ng freelance projects mula nang mag-resign ako sa huli kong trabaho at palaging may “provision in many ways” ang dumarating at hindi ko inaasahan. Masaya rin akong magkaroon ng mga bagong matatapat na kaibigan lalo na sa loob n gaming simbahan. Isama mo na din sa taong ito ang nakapagbakasyon sa ibang bansa ang nanay ko – doon kung nasaan ang kapatid ko. At sa loob ng 3 buwang wala siya ay nakaya kong mabuhay ng solo hehe!
Sa 300++ na mga araw sa taong ito, inulan ako ng pagpapala –
hindi ko man pansin ang iba at hindi man lang ako nakapagpasalamat. Pero salamat
talaga sa Diyos at sa lahat ng nagmamahal sa akin. Lalong salamat sa mga kapatid ko, feeling ko mas naging close tayo nitong 2013 no? Salamat dahil patuloy ding tinuturo sakin ng Diyos paano magpakumbaba at huwag masyadong maapektuhan ng
nararamdaman ko (kunwari magdedesisyon o magsasalita kung kalian galit na galit).
"Your mind plays an important role in your victory;
Negativism has to go!"
"Positive thoughts are always full of faith and hope;
Negative thoughts are always full of fear and doubt."
"Expect a miracle in your life."
At 2.5 oras na lang ay bagong taon na muli, 2014 na! Naniniwala ako sa tinatawag na “breakthrough” – I’m claiming this in the mighty name of Jesus!
Pinanghahawakan ko pa rin ang pangako ng Diyos sa Jeremiah
29:11 na "For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to
prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."
FORGET THE THINGS THAT HAPPENED IN THE PAST. Do not keep on
thinking about them. I am about to do something new. It is beginning to happen
EVEN NOW. Don’t you see it coming? I am going to make a way for you to go
through the desert. I will make streams of water in the dry and empty land.
Ang prayer ko naman para sa bansang Pilipinas ay magkaroon
tayo ng bukas na isip at puso sa mga nangyayari sa ating bayan. Magtiwala pa
rin sa kapangyarihan ng Diyos dahil di naman Sya nagbabago at di Niya tayo
pinapabayaan. Maging mas matatag pa sana tayo sa mga pagsubok at mapagmahal
para sa ating bayan. At sana, maialis sa pwesto ang mga tiwaling opisyal na nasa
mataas man o mababang posisyon at maparusahan ang mga may sala. Magkaisa sana
ang lahat ng Pilipino at patuloy na magbayanihan :)
God bless our 2014! God is good all the time!
P.S.
Excited na akong gumawa ng Vision board ko! ^_^
Comments
Post a Comment