Simpleng Kabataan





Sa kahoy na dingding aking sinulat at ginuhit
Larawan ng mga pangarap na nais makamit;
Tanaw ko ang tumatakbong ulap sa kalangitan,
Nagdadala ng kapayapaan sa aking kalooban.

Taho ni Mang Bobby, sorbetes ni Mang Isko 
Sigaw at kalembang nila'y alam na alam ko;
Pompoms, Batibot at larong Pinoy labis na kinagiliwan
Ang bawat araw ay puno ng mga ngiti at tawanan.

Sa kainitan ng araw ay umaakyat ng puno, walang patid ang habulan 
Asaran, taguan, awitan kasama ng mga kaibigan;
Ngayo'y mga karanasang nakaukit na sa aking alaala
Kayamanan ng simpleng kabataan bitbit ko na sa pagtanda.



Ang tulang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 2014.

 "Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin  gaya ng Saranggola!”

Sponsors:

Comments