Malayo ang tinatanaw ng isipang naglalakbay
Nagmumula sa katawang halos lumulupaypay
Puso at utak nahihirapang magkatugma
Naglalaban mga damdaming napakahiwaga
Daan-daang tanong papalit-palit sumusulpot
At bawat isa ay hindi naman nasasagot
Ngunit may mga salitang kalooban ay napapanatili
Mula sa isang tinig na payapang humahalili
Tumatakbo nang mabilis papalayo sa kadiliman
Masugatan na sa pakikibaka huwag lamang abutan
Mga higante ay humarang man ay hindi magpapatumba
Kalakasan ang mga pangakong nakaukit sa alaala
~Madz Madaje
Simula pa lamang ng taon ngunit bumubuhos na ang mga pagsubok sa buhay. Ganito din ba ang nararanasan mo ngayon?
Tayo ay nasa digmaan
at tayo ay maaaring magpasya kung magpapatalo tayo sa mga hamon na ito o patuloy na lalaban kahit masugatan pa.
Salamat at mayroon tayong maaaring lapitan at hingan ng tulong: ang Panginoon na Siyang nagmamalasakit sa atin ng lubos dahil labis naman Nya tayong iniibig kaya sa buwan na ito kung saan ang pusong may malinis na hangarin ang totoong panalo. At sa panahong nahihirapan ay pwede namang tumigil sandali upang magpahinga basta huwag lamang sumuko kaagad.
Ito ang buhay sa mundo: mapalad ang palaging handa lumaban at magpakumbaba, magsalita at mag-ingat, magmahal at magpatawad.
Kaya't sa mga Kristiyano, sinasabi sa Salita ng Diyos sa Mga Taga-Efeso 6:10-18 na "Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos... sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan." Ang mga ito ay: sinturon ng katotohanan, baluting pandibdib ng katuwiran, suot sa paa ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan, kalasag ng pananampalataya, helmet ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos. Lahat ito ay dapat kumpletong suot natin para tayo manalo sa hindi pangkaraniwang labanan. At tayo ay higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan Niya (si Cristo) na umiibig sa atin (Roma 8:37).

Comments
Post a Comment