You complete me.


"You complete me."


Narinig ko na itong line na ito from a movie. At paulit ulit na ginagamit sa mga palabas sa TV. Nasubukan ko na rin yata itong banggitin sa isang tao minsan (uii..showbiz, eerm!).

At paano nga ba masasabing "complete" na ang isang tao, bagay, pangyayari, at iba pa?


Ito ang nakalagay sa Merriam Webster Dictionary,
com·plete\kəm-ˈplēt\adjective: having all necessary parts : not lacking anything (lahat ng sangkap, walang kakulangan, wala ng hahanapin pang iba): not limited in any way (walang hangganan): not requiring more work : entirely done or completed (wala ng dapat pang gawin, tapos na)

Naniniwala ako na habang nabubuhay tayo ay hindi talaga tayo makakaranas ng "completeness" dito sa mundo. Palaging may hihigit at susubok na mag-iba ang ating prefences sa lahat ng meron tayo. Palaging may lilipas at makakalimutang nagdaan na sa ating mga kagustuhan. Palaging may hahanapin tayong "something new, something special, something fresh", "innovative", "promising" at "out of this world". Minsan nga ay hindi na rin sapat kung may improvement man na nakikita. More, more, more!

At bakit ko ba naiisip ito ngayon? Pinatugtog ko kasi kaninang umaga ang Glorious Ruins Album ng Hillsong Worship (concert na nila sa MOA Arena next month!!!) at habang naririnig ko ang mga linyang...
"Christ is enough for me. Christ is enough for me.

Everything I need is in You. Everything I need."

At pumasok na lang sa isip ko ang mga salitang "You complete me." at ginamit ko na din bilang fb status. Mala-Jerry Maguire lang ang peg. As usual, may ilang na-curious... sino daw yun? ;)

Pero kahit anong gawin kong effort para ma-satisfy ko ang pamumuhay ko at maghanap o makatagpo pa ako ng taong halos perpekto na para sa akin ay hindi ko pa rin sapat para ako naging kumpleto. Bakit? Dahil mangyayari lamang ito hanggat wala akong contentment at hindi ko tinatanggap na tanging si Jesus at sa Kanya lamang ko maaaring matagpuan ang 100% na kailangan ko pang-habambuhay.

Our Lord is our Creator. God is Sovereign, He is everlasting. 
Siya lang at ang pag-ibig Niya ang hindi matitinag kailanman.

Marami akong pangarap at mga nais gawin. Yun lang limitado pa rin ako bilang tao. Lalo na oras at kalakasan na meron ako.
Then I returned, and I saw vanity under the sun. There is one alone, and there is not a second; yea, he hath neither child nor brother: yet is there no end of all his labour; neither is his eye satisfied with riches; neither saith he, For whom do I labour, and bereave my soul of good? This is also vanity, yea, it is a sore travail. (Ecclesiastes 4:7-8 KJV)
But Jesus completes me and He can complete you too.
And ye are complete in Him [Jesus Christ], which is the head of all principality and power. (Colossians 2:10 KJV)
Ayan ang sabi sa Bible... sa unang translation ay ginamit naman ang term na "fullness in Christ". Totoo ito. Dahil tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng kaibuturan ng ating mga puso at lawak ng ating pag-iisip. Mapapagod lamang tayo kung patuloy nating hahanapin mula sa ibang tao, bagay, pangyayari, lugar, trabaho at iba pa ang kailangan natin para maging "complete".
Yet when I surveyed all that my hands had done and what I had toiled to achieve, everything was meaningless, a chasing after the wind; nothing was gained under the sun. (Ecclesiastes 2:11 NIV)
Subukan mo sana ngayon na magsimula ng mas malalim na relasyon kay Jesus, He can and He will complete you.

God bless! 

Comments