"Nawala mo phone mo", ang sabi nya.
"Ay hindi ate, gamit ko pa, ito nga o pinangtatawag ko sa'yo", sabi naman ng pilosopo kong isip.
photo via grumpy cat's official Facebook page |
Pangatlo na itong pagkakataon na hindi pa masyadong matagal sa akin ang isang gadget ay nananakaw ito sa akin nang hindi ko namamalayan.
Una ay noong nasa first year college ako at nakuha din ang pinaka-una kong cellphone ng isang matandang babae sa loob ng CR ng college building namin.
Ikalawa ay yung mag-1 year pa lang ako sa work at ang unang mp4 player ko na isang linggo pa lang ata sa akin yun ang nakuha. Nakatulog ako sa likuran ng FX at kasama ko doon ang isang lola. Pagbaba ko ng fx, pagkapa ko sa bulsa ng bag ko, wala na. Ok, baka gusto mo soundtripping ni lola.
At ngayong ikatlo ang pinakamasakit... mahal na mahal ko talaga yung phone na yun: HTC One X phone mula sa kapatid ko. Kaka-apat na buwan pa lang mula nang magkaroon ako ako nito at naging productive talaga ang pag-organize ko sa aking blog/devotionals/creative accounts/notes/tasks/calendar/alarm clock, etc. Malupit ang camera kaya talagang pinanghihinayangan ko ito ng sobraaaaaaa lalo na at ang mga kuha ko mula sa Hillsong Worship concert kagabi na hindi ko pa naa-upload!!!!!! sayang ang mga kuha ko ng malulupit na light designs.... :( idagdag ko pa ang magandang sound quality ng HTC phone!!!! ay........ hay.
Nanakawan ako nang pasakay na ako ng jeep sa may tapat ng Ali Mall, mga bago mag-alas nuwebe. Maraming sasakay at ako na sana ang sasampa pero may matandang babae na tumabi sa akin kaya siya na pinauna ko at nagtaka ako dahil habang pumapasok ako ng jeep ay nakapa ko ang bag ko na bukas na ang zipper. Pag-upo hinalungkat ko ang laman ng bag at wala na nga ito, kasama ng Suki Card, mga listahan ng savings at binayaran, kaunting Post-it na fuchsia, P100 at ang puso ko. Ay di pala, andito pa naman ang puso ko the last time I checked. :P
But.... haay. Tinawagan ko ang sun# ko, 09434931840, ring lang ring (siguro nahihirapan sila alisin ang sim card kasi kailangan pa nila ng karayom)... mag-isang oras din ganito hanggang may sumagot, babae (na naman!). Sagot pa nya, "Nawala mo phone mo". Nagkaroon ako ng pag-asa... baka sakaling isasauli niya. Pagtanong ko kung saan nya nakuha, susubok palang sana ako magtanong (kung pwede isauli dahil baka napulot lang pala nya na kahit medyo imposible actually pero malay natin mabuti pala syang tao, ay asa pa ko!) ay namatay ang phone kong gamit at pag-charge ko ay tawag agad ako, ayun pinatay nya na yung phone.
But.... haay. Tinawagan ko ang sun# ko, 09434931840, ring lang ring (siguro nahihirapan sila alisin ang sim card kasi kailangan pa nila ng karayom)... mag-isang oras din ganito hanggang may sumagot, babae (na naman!). Sagot pa nya, "Nawala mo phone mo". Nagkaroon ako ng pag-asa... baka sakaling isasauli niya. Pagtanong ko kung saan nya nakuha, susubok palang sana ako magtanong (kung pwede isauli dahil baka napulot lang pala nya na kahit medyo imposible actually pero malay natin mabuti pala syang tao, ay asa pa ko!) ay namatay ang phone kong gamit at pag-charge ko ay tawag agad ako, ayun pinatay nya na yung phone.
Ahhhh ang panghihinayaaaaang..... at kaunting takot na halungkatin pa nila ang laman ng phone ko. Sana i-format na nila agad!!! :(
Haay pero despite sa nangyari... I learned to be thankful than super sorry. And I also had a minute to pray for them though I really felt sad.
I thank God kasi nakuha ito nang di ko napapansin at hindi ako kailangan pang takutin o masaktan.
I thank God kasi gadget lang yun at may backup akong copy ng phone contacts at nabago ko na agad ang mga passwords ng accounts ko.
I thank God kasi nawala man ang mga pictures at least nasa memory ko naman ang mga iyon kahit papaano.
I thank God kasi may natutunan ako sa pag-iingat.
photo via pinterest |
Kaya dear readers, please ingat ingat ingat.
photo via tumblr |
Naalala ko tuloy yung isang documentary sa GMA tungkol sa mga magnanakaw na ganito.
Interviewer (in indirect quote): Hindi ba kayo naaawa sa mga ninanakawan nyo?
Si Kuya na Holdapper: At least, nagpaalam muna kami kaysa bigla na lang inaagaw!
Ako... okaaaaaay, may point si kuya.
Naalala ko rin na last week lang ay pina-alalahanan ko pa ang isa kong officemate na mag-ingat ingat sa paggamit naman ng cellphone sa kalsada. At yung isa ko ring officemate ay nagsabi na lalo na ngayon, panahon naman ng tuition fees.
Oh well.... si Lord na bahala sa kanila. Sana magamit nila ang pera mula sa pagbenta noon para sa paki-pakinabang na pangangailangan. O kaya gamitin nila ang phone para kumuha na lang magagandang kaulapan.
I'll start not to overthink and just let it go, tutal wala na talaga e. Err... Well, well, well.
P.S
I submitted a report to Viber and NTC to block my phone and sim number right away.
Thankfully, Viber had managed to block my old number. While I just brought an affidavit of loss to NTC along with my phone's case, IMEI stickers and my sim card's packaging. The NTC staff told me that deactivation will be complete within three days.
I believe that to have a law in the Philippines of registering our sim card number will be beneficial to all mobile subscribers. And I hope that there'll be a strict law and reinforcement not just on mobile phone theft but with almost all properties.
M
Comments
Post a Comment