Pwede bang Mabago ang Attitude?
Ang susi sa pagkakaroon ng magandang attitude ay ang pagiging bukas sa pagbabago.
Puwede tayong maging master o biktima ng isang attitude. Nasa sariling pagpapasya lang ito.
Resulta ng mga desisyon natin kahapon kung sino tayo ngayon. Ang mga desisyon naman natin ngayon ang bubuo kung sino tayo magiging bukas.
Para magbago, kailangan ng desisyong magbago.
Kung gusto mong magkaroon ng magandang attitude, gawin mo ang mga sumusunod na choice:
Choice #1:
I-evaluate ang kasalukuyang attitude
Nagsisimula ang proseso kapag alam mo kung saan ka manggagaling. May katagalan ang proseso ng pag-eevaluate ng attitude mo sa kasalukuyan. Kung kakayanin, subukan mong ihiwalay ang iyong sarili sa attitude mo.
Ang goal natin ay ang makita ang "masamang attitude" na humahadlang sa'yo para masiyahan - hindi ang makita ang "masamang ikaw". Makakagawa ka lang ng mga malalaking pagbabago kapag natukoy mo na ang problema.
Choice #2:
Unawain na mas malakas ang faith kaysa sa takot
Ang tanging bagay na makakasiguro ng success ng isang mahirap o makakapangambang gawain ay ang faith sa simula pa lang na kaya mo itong gawin.
Sabi ni William James, isang philosopher, "Ang pinakamahalagang discovery sa aking henerasyon ay kayang magbago ng mga tao kung babaguhin nila ang attitude ng kanilang pag-iisip."
Naka-depende ang pagbabago sa kondisyon ng iyong pag-iisip. Maniwala kang kaya mong magbago. Hilingin sa mga kaibigan at katrabaho na laging palakasin ang loob mo.
At kung ikaw ay mananampalataya, humingi ng tulong sa Diyos. Alam Niya ang mga problema mo at gusto at kaya Niyang tulungan kang mapagtagumpayan ang mga ito.
Choice #3:
Sumulat ng statement of purpose
Para magkaroon ng saya at direksyon ang pagbabago mo ng attitude, kailangang meron kang malinaw at nakasaad na goal.
Ang goal na ito ay kailangang tiyak, nakasulat sa papel, at pirmado, na may nakalagay na time frame. Dapat nakalagay ang purpose statement na ito sa lugar na madalas mo itong makikita sa araw-araw para tumibay ang commitment mo.
Choice #4:
Magkaroon ng pagnanais na magbago
Wala nang mas makakapagtiyak ng success ng pagbabago ng iyong attitude kaysa ang pagnanais na magbago.
Mabigo man ang lahat, sapat na ang kagustuhan para sa tumungo sa tamang direksyon. Maraming tao na ang nakalagpas sa matitinding hadlang para mapabuti ang sarili nila na posible ang pagbabago kung talagang gugustuhin nila ito.
Choice #5:
Mabuhay nang one day at a time
Kaya ng kahit sinong lumaban nang isang araw lang. Pero kapag pinagsama natin ang problemang dala ng dalawang katakut-takot na walang-hanggan-ang kahapon at bukas-nagsisimula na tayong manginig sa takot.
Hindi ang mga karanasan natin sa kasalukuyan ang nakakapagpawala ng ating focus kundi ang labis na pagsisisi o saklap ng mga nangyari kahapon at ang pangamba sa kung anong dala ng bukas.
Kaya mabuhay tayo ng isa-isang araw lang-ngayon!
Choice #6:
Palitan ang pattern ng iyong pag-iisip
Kung ano ang may hawak sa mga iniisip natin ang siyang magtitiyak ng ating aksyon.
Tayo ay kung nasaan tayo at kung ano tayo dahil sa nangingibaw na thought patterns sa pumupuno sa ating isipan.
Choice #7:
Mag-develop ng magagandang habits
Ang attitude ay simpleng habit ng pag-iisip.
Pareho lang ang proseso ng pagbuo ng mga habit-maganda man o mabuti. Kasing dali lang ng pagbuo ng habit ng pagiging successful ang pagpapadaig sa habit ng failure.
Hindi instincts ang habits; ang mga aksyon o reaksyon na ito ay natututunan. Hindi lang sila biglang nangyayari; merong sanhi ang mga ito. Kapag natukoy na ang orihinal na pinagmulan ng isang habit, nasa kamay mo na kung tatanggapin mo ba ito o hindi.
Marami sa mga tao ang hinahayaan na lang na kontrolin sila ng habits nila. Kapag hindi nakakabuti ang habits na ito, negative ang impact ng mga ito sa kanilang attitude.
Choice #8:
Patuloy mong piliin na magkaroon ng tamang attitude
Kapag nagpasya ka nang magkaroon ng magandang attitude, magsisimula pa lang ang gawain. Susunod dito ang patuloy napagpapasyang lumago at pagpapanatili ng tamang outlook. May tendency ang attitude na bumalik sa dati nitong pattern kung hindi tayo maingat sa pagbabantay at pagpapayaman nito.
Ito ay hango sa Chapter 4: Pwede bang Mabago ang Attitude? ng librong Attitude 101: Mga Dapat Malaman ng Bawat Leader ni John C. Maxwell na isinalin sa Tag-lish ng OMF Literature Inc. Maaring mapalunan mo ang aklat na ito kasama ng Going Up: Making Right Choices at Work na isinulat naman ni Yay Padua-Olmedo.
Madali lang sumali sa giveaway na ito!
Puntahan ang link na ito ng nakaraang kong blog post: Yey to Good Works (plus Giveaway #1) at makikita mo doon ang isang Rafflecopter Box at sundang mabuti ang instructions na nakalagay doon.
May 3 araw pa para makasali! Kaya go na para manalo at mabasa din ang dalawang awesome books na ito!
God bless!
Comments
Post a Comment