Isang gabi, medyo natagalan ako makasakay pauwi dahil punuan ang mga jeepney/FX na dumadaan sa highway. Matapos ang nakakainip na paghihintay... sa wakas ay may tumigil na jeep sa harap ko para magbaba din ng ilang mga pasahero. Mabilis akong lumapit sa sasakyan. Yun nga lang, inunahan pa ako makasakay ng mga lalaking college students na nag-aabang din ng masasakyan. Pero tantya ko, may bakante pa ring mauupuan sa loob ng jeep kaya sumakay pa din ako.
Pagdating ko sa may malapit sa harapan, e wala ng space...
Ayun pala, may lola na ayaw nya umusog sa kinauupuan nya hanggang sa napilit din syang gumalaw-galaw para makaupo ako "kahit papaano".
Nang makaupo na ko ay laking gulat ko naman nang ang katabi kong estudyante ay humawak sa handrail ay biglang tinapik ng lola ang braso nya at pinilit nyang hilahin ito para ibaba, sabay nagsungit ar nagsalita, "Gumalang ka sa matanda... Humahawak ako dyan e". Edi laking shock din ng bata!
Tuloy ang byahe at patuloy pa rin sa mahinang pagsasalita si lola.
Maya-maya naman ay yung barker naman ang sinungitan nya dahil kapag nag-aabot ng bayad at sukli ay nadadagil yata si Lola.
Nang may mga nagbabaang pasahero matapos ang ilang minuto ay lumipat na ako sa kabila para makaupo ng mas maayos. Pero tuloy pa rin ang pag-o-observe ko sa matanda, naku-curious talaga ako kung bakit ang sungit sungit nya.
Nakapag-pray na nga ako...
"Lord, sana po pagtanda ko, hindi ako ganyan... please."
Gumana na ang random thoughts tungkol sa pagtanda ko. Nagbyahe na din ang isip ko ngunit pansin ko ang pagtingin-tingin sa kanya ng barker na sinusubukan na lang deadmahin si lola. Yung katabi nyang binata naman, nagsaksak na ng earphone.. siguro nato-torete na.
Si lola, palingon-lingon... parang tinitiyak nya kung nasaan na sya habang patuloy na nagsasalita.
Di na sya pinapansin ng barker masyado, tuluyan na yatang nayamot sa kanya. Nag-pray ulit ako.. "Lord, sana naman ay maibaba sya sa tamang lugar. Sana sigurado pa din sya kung saan sya bababa. At pansinin pa din sya nung barker in case naaalala pa nya kung saan dapat bumaba ang matanda."
Tuloy-tuloy lang ang byahe hanggang sa makarating din sa paroroonan ko.
Mabuti na lang, pumara din si lola. Nakahinga ako ng maluwag.
Nauna ako bumaba at hinintay ko naman sya na makababa din. Habang nakayukong lumalabas ng jeep ay naka-extend ang mga braso nya na hinahanap ang estribong hahawakan. At doon ko naman inabot ang aking kamay para salubungin at gabayan sya. Humawak sya sa akin at napangiti.
Mabuti'y maayos syang nakababa at nakangiti pa rin syang tumingin sa akin. Tinanong nya kung saan pa ang daan ko. Magkahiwalay pala kami ng uuwian. Pero natuwa ang puso ko dahil naramdaman ko ang galak sa kanyang mga ngiti.
At dumating din ang moment ng realizations...
"Di naman pala sobrang masungit si Lola", sabi ko sa aking sarili.
Masaya akong makatulong noong oras na yun. Syempre, magaan sa pakiramdam. Pero hindi ito ang pinaka-gusto kong i-highlight sa kwentong ito... Kundi, matanda na si Lola at buma-byahe mag-isa. Naalala ko tuloy ang Nanay kong senior citizen na rin at hirap nang mag-akyat-baba ng sasakyan. Madalas sya mauntog dahil kulang yata sa pagyuko. Nakakataranta din kapag kakasakay lang nya o pababa pa lang ay tsaka naman biglang aandar ang sasakyan lalo na kapag jeepney. Naisip ko na sana ay palaging may mga taong may mabuting loob ang mag-assist sa kanya.
At kapag tumanda naman ako, sana may mga taong magkakaroon pa rin ng paggalang at malasakit sa mga senior citizen. At sana, hindi ako maging grumpy grandma hahaha :D
At di porket masungit ay dapat lang na sungitan mo rin.
Dahil katulad ni Lola sa kwento ko, baka kailangan lang nya ng "love" or "lambing" na bigyan sya ng atensyon, paggalang, malasakit at kabutihan dahil tiyak na mahihipo ng ganitong klase ng treatment ang kanyang puso. Kaya pag-pasensyahan natin sila. Ilang dekada na lang, magiging lolo at lola na din tayo.
Wooohoo!!!
At ang sabi naman sa Salita ng Diyos,
Image Resources:
Grumpy cat with eyeglass from Pinterest
Matthew 7:12 Bible Verse from No Good Christians

"Kaya nga, ang lahat ng bagay na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo ay gayundin ang gawin ninyo sa kanila sapagkat ito ang kabuuan ng Kautusan at ng mga Propeta." na nasa Matthew 7:12 at mababasa din sa Luke 6:31.
"Do to others whatever you would like them to do to you.This is the essence of all that is taught in the law and the prophets.
Image Resources:
Grumpy cat with eyeglass from Pinterest
Matthew 7:12 Bible Verse from No Good Christians
Comments
Post a Comment