Oh no!… Monday na naman! Kaka-stress!
Alam mo ba na blessing ang may maayos kang trabaho (part-time/full time/freelance/online) , nakakapag-aral ka at lalo na ang magising ka ulit at makaranas ng panibagong araw?
Kaya imbis na unahan na natin ng simangot, inis, iyak at pagtamlay ang araw na ito ay piliin natin maging positibo at may pag-asa ang araw na ito :)
Kaya ba natin gawin ito? Oo naman. Basta mag-desisyon tayong piliin ang mas makakabuti sa lahat. Maaaring hindi ito madaling gawin pero at least, pwede natin i-try ^_^
Kaya choose na natin maging better, not bitter. Sa mga panahon namang grabe ang struggle natin para mag-isip ng maganda sa araw na ito… e magpatulong na tayo kay Lord. Walang hindi Niya kaya basta magpa-rescue tayo sa Kanya ;)
At kung talagang wala ka ng drive or passion para mag-commit ng mabuti sa work/studies/projects mo, e pag-isipan mabuti kung bakit ganito ang nadarama. Emosyon lang ba? May pinagdadaanan? May pinaghuhugutan? Nasa tamang lugar ka pa ba? Para pa ba sa’yo o hindi na? O baka naman, dahil kulang ka lang sa tulog o gutom ka na pala kaya mo yan nadarama?
O sigurado ka ng hindi ito ang purpose mo, ang higher calling mo? Hmmm... then kailangan nito ang matinding pag-iisip, pagsasaalang-alang at panalangin.
At kung nasa season ka naman ng pag-alam at paghihintay sa will ni Lord para sa'yo; o kaya naman ay naghahanap ng bagong trabaho... ito naman ang isipin natin habang kasalukuyan tayong nag-aaral, nagta-trabaho at gumagawa ng iba't ibang paglilingkod:
Ito naman ang iiwan ko sa inyo, ang iba pang mga Protips ni Ma’am Maloi Malibiran-Salumbides ng 702 DZAS. Maririnig ang mga tips nyang ito tuwing 7am bago ang Oras na Pilipinas radio program.
At tulad ng laging huling pagbati ni Ma’am Maloi…
“Be a blessing in the workplace today”.
Sa susunod, pwede nating pag-usapan ang ibang career matters... like relationship with workmates, conflicts, sweldo, atbp. :)
Happy Monday everyone! Happy birthday din po Ms Maloi :)
Love,
M

Dahil sabi sa nga sa Biblia, "Huwag ninyong iayon ang inyong mga sarili sa kapanahunang ito. Sa halip ay mabago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong isipan. Ito ay upang masuri ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos". Mga Taga-Roma 12:2 Ang Salita ng Diyos (SND)
"Do not be conformed to this world (this age), [fashioned after and adapted to its external, superficial customs], but be transformed (changed) by the [entire] renewal of your mind [by its new ideals and its new attitude], so that you may prove [for yourselves] what is the good and acceptable and perfect will of God,even the thing which is good and acceptable and perfect [in His sight for you]."
Romans 12:2 Amplified Bible (AMP)
Kaya choose na natin maging better, not bitter. Sa mga panahon namang grabe ang struggle natin para mag-isip ng maganda sa araw na ito… e magpatulong na tayo kay Lord. Walang hindi Niya kaya basta magpa-rescue tayo sa Kanya ;)
At sa Mga Taga-Filipos 4:8 Ang Salita ng Diyos (SND)
Sa katapus-tapusan mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, anuman ang marangal, anuman ang matuwid, anuman ang dalisay, anumang mga bagay ang kaibig-ibig, anuman ang may mabuting ulat, kung mayroon mang kabutihan at anumang kapuri-puri, ang mga bagay na ito ang isipin ninyo.
Philippians 4:8 Amplified Bible (AMP)
For the rest, brethren, whatever is true, whatever is worthy of reverence and is honorable and seemly, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely and lovable, whatever is kind and winsome and gracious, if there is any virtue and excellence, if there is anything worthy of praise, think on and weigh and take account of these things [fix your minds on them].
At kung talagang wala ka ng drive or passion para mag-commit ng mabuti sa work/studies/projects mo, e pag-isipan mabuti kung bakit ganito ang nadarama. Emosyon lang ba? May pinagdadaanan? May pinaghuhugutan? Nasa tamang lugar ka pa ba? Para pa ba sa’yo o hindi na? O baka naman, dahil kulang ka lang sa tulog o gutom ka na pala kaya mo yan nadarama?
O sigurado ka ng hindi ito ang purpose mo, ang higher calling mo? Hmmm... then kailangan nito ang matinding pag-iisip, pagsasaalang-alang at panalangin.
At kung nasa season ka naman ng pag-alam at paghihintay sa will ni Lord para sa'yo; o kaya naman ay naghahanap ng bagong trabaho... ito naman ang isipin natin habang kasalukuyan tayong nag-aaral, nagta-trabaho at gumagawa ng iba't ibang paglilingkod:
Mga Taga-Colosas 3:23-24 Ang Salita ng Diyos (SND)
"Anuman ang inyong gawin, gawin ninyo ito ng buong puso na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao. Yamang nalalaman ninyo na kayo ay tatanggap mula sa Panginoon ng gantimpalang mana dahil ang Panginoon, ang Cristo ang inyong pinaglilingkuran."
Colossians 3:23-24 Amplified Bible (AMP)
"Whatever may be your task, work at it heartily (from the soul), as [something done] for the Lord and not for men, Knowing [with all certainty] that it is from the Lord [and not from men] that you will receive the inheritance which is your [real] reward. [The One Whom] you are actually serving [is] the Lord Christ (the Messiah)."
Ito naman ang iiwan ko sa inyo, ang iba pang mga Protips ni Ma’am Maloi Malibiran-Salumbides ng 702 DZAS. Maririnig ang mga tips nyang ito tuwing 7am bago ang Oras na Pilipinas radio program.
Matatagpuan din ang mga pictures na ito sa Official Facebook Page ng Protips. |
At tulad ng laging huling pagbati ni Ma’am Maloi…
“Be a blessing in the workplace today”.
Sa susunod, pwede nating pag-usapan ang ibang career matters... like relationship with workmates, conflicts, sweldo, atbp. :)
Happy Monday everyone! Happy birthday din po Ms Maloi :)
Love,
M
Comments
Post a Comment