Some weeks ago I decided to go outdoor biking without a specific destination in mind. Actually magulo ang isip ko noon kung saan ko gusto magpunta. Gusto ko kumain pero parang ayoko. Gusto ko mamasyal at mag-muni-muni pero ayoko. Gusto ko magpunta sa malayo pero ayoko. Gusto ko lang ay mag-bike. Dahil dito, masasabi kong hindi ako naging productive noong hapon na iyon. Mahirap kung hindi mo talaga sigurado kung ano talaga ang gusto mo.
Ayan, sige, nailabas ko ang pink kong bike sa wakas! (By the way, yan nga pala si B). Pinalagyan ko ng hangin ang mga gulong at go padyak na patungo sa kawalan… oops, not really, papunta lang Marikina Riverpark, my usual place. Ang problema, may tyangge pa pala doon, di ako makadaan ng maayos. Kailangan ko umalis doon, kailangan mag-iba ako ng daan. Dito na nagsimula ang mas matindi kong struggle (okay, mas matindi pa rin ang pagpila ng matagal para makasakay ng MRT). Padyak, sige punta sa isang street kaso ang daming sasakyan sa likod ko, nagpa-panic ako pag ganito. Kasi wala pa akong helmet o anumang pang-protect ng katawan ko. Takot ako mabundol, takot ako makasagasa… madami akong takot actually. Pero ayoko naman bumalik sa bahay. Ayoko pang umuwi.
Anong pwedeng mangyari kung wala kang specific destination na nasa isip?
Mag-aaksaya ka lang ng oras.
Time is gold, sabi nga. Kahit sabihin kong for fun naman yun, hindi rin ako masyadong natuwa. Dahil wala nga akong specific destination, paikot-ikot ako kung saan-saang streets kasi naligaw-ligaw lang ako. Gusto ko makabalik sa una kong dinaanan kaso hindi ko sigurado paano ako makakabalik. Mayroon kasi akong mga daan na pinasok na one way lang kaya lalo akong nahirapan.
Kasi nga walang destinasyon, anoooo pa ba? Oo may mararating ka naman kasi may mga dadaanan ka... may stop over, may u-turn, at iba pa pero maaaring hindi mo pa rin marating yung pupuntahan mo o maaaring aabutin na pangarap dahil ubos na ang oras.
Wala kang mararating (sa takdang oras).
Maaari kang ma-aksidente o maka-aksidente
Okay sige, OA na ito, pero posible. Bakit? E kasi wala sa ayos ang isip ko. Di ko sigurado ano bang ginagawa ko o saan ko ba talaga gusto dumaan kaya bigla na lang may sasakyan akong makakasalubong o kaya uunahan na ako dahil nga sino-sort ko pa ang magulo kong isip at pagpadyak ko ay biglang may taong makakasalubong, etc.
Magugutom at mauuhaw ka.
Self-explanatory. Syempre tumatakbo ang oras at napapagod ka na. Kapag nasobrahan, baka maburnout ka pa.
Maiinis ka na talaga (sa sarili mo, sa kalsada, sa mga tao, sa bike, etc).
Ewan ko, ako kasi naiinis na talaga ako noon. Gusto ko lang makabalik sa daan kung saan alam kong safe na ako at kabisado ko, e hindi ko mahanap. Dito na pumapasok ang frustrations sa buhay at malala ay depression. Minsan maliit lang na bagay ang nakaka-abala sa atin pero malaki ang nadadalang damage nito sa atin.
Pero… may maganda din naman naidulot sa akin yung araw na iyon. Nakapag-muni muni nga ako. Doon ko na-realize na dapat sa susunod ay mas handa na ako. Mabuti na lang may dala akong bicycle lock kaya noong naisip ko dumaan na lang sa SaveMore sa Bayan e pwede kong iwan muna sa labas. Pagkatapos mamili ng kaunti, umuwi na ako. Surprisingly, mas napagod talaga ako pero pagtingin ko sa orasan, halos naka-isang oras at kalahati lang naman ako. Usually, nakaka-tatlong oras ako pero okay naman ako pag-uwi.
Ito yung moment na naka-relate ako sa isang awiting ng paborito kong Christian Contemporary band na Sixpence None the Richer na Tonight:
Tonight it's time, choose a direction
If you fail you can make a correction
Slower now, make life faster
Make your mind, up for once this time
It's hard to know where I'm supposed to go
So ito lang, we need to have a destination. Without a specific goal, it seems living is at halt. We will struggle so much! Of course, pwede naman nating i-enjoy ang bawat journey naman na meron tayo pero iba ang usapan kung saan ka pupunta, saan ka paparoon dahil maaaring mapahamak tayo kung hindi malinaw sa atin kung anuman yung gusto talaga nating paroon. At kung may specific destination or goal ka na sa buhay, stay focused.
Sabi nga sa isang quote,
Direction is so much more important than speed.
Many are going nowhere fast.
At syempre ang word of wisdom naman from the Bible,
Proverbs 11:14 "Without good direction, people lose their way."
Oh no! Kitams? Mas hassle kung wala ka ring malinaw na direksyon. Buti na lang andyan si Lord, parang northern star din natin.
Proverbs 3:5-6 "Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to Him, and He will make your paths straight."
We can always ask God kung anong nais Niyang mangyari sa buhay natin. Maaaring meron sa inyo na nagbabasa nito na nahihirapan i-figure out kung anong magiging resulta ng mga ginagawa nyo ngayon. Kaya kailangan ng deeper relationship with the Lord by our faith, prayer and His Word. We need His counsel. Many are the plans in a man’s heart but God’s purpose shall prevail ang sabi sa Proverbs 19:21. Mabuti na lang malinaw din sa Word of God ang plans Nya sa atin: Sinabi Niya mismo sa Jeremiah 29:11 na nalalaman Niya ang plano Niya para sa atin, "plans to prosper and not to harm us, plans to give hope and a (good) future".
This 2015, Keep moving forward and always ask the Lord to lead us since He is also our great Shepherd.
God bless!
Comments
Post a Comment