Poematic 04.03.15 Sa Ibabaw ng Tubig

photo: Bruce Almighty movie
Sa ibabaw ng tubig niyaya Mo ako lumakad
Ngunit ang kalooban ko ay puno ng pangamba
Sa malakas na alon ako ay napatumba
Napagod akong tumuloy at piniling magkasala

Ngunit kahit sa ibabaw ng lupa kasama pa din Kita
Kailanman ay hindi mo ako pinabayaan
kinalimutan na Kita, Inagaw na ako ng sanlibutan
At halos mapunta na ako sa aking hangganan

Sa apoy ng pagmamahal Mo ako ay laging napapaso
Ngunit imbis na ako ang masugatan ay dugo mo ang dumadaloy
Sa bawat kawalan ko ng pag-asa na kaya ko pang magbago
Paulit ulit ko namang naririnig na mahal Mo ako

Muli akong sumubok maglakad sa ibabaw ng tubig,
Naririnig ko ang sigaw ng pagtawag Mo sa akin
At hinarap ko na ang malakas na ihip ng hangin
Hindi ako tumumba sapagkat ako ay nanalangin

Nagtagumpay ako at sa Iyo ay nakalapit
buhay ko ay Hiniling kong Iyo sanang dugtungan
Sa Iyong puso akala ko ay maraming malalim na sugat
Ngunit ang sabi mo iyon ay wala na dahil Ikaw ay nagpatawad


Isang tulang naisulat ko noong nakaraang Good Friday, April 3, 2015 habang ako ay nasa labas ng prayer room sa Touch of Glory Antipolo. Inspired by the 700 Club Asia's Special Holy week Tanikala movie na "Sa Isang Iglap" na ginanapan ni Glaiza de Castro base sa tunay na buhay ni Abegail Mesa. Isang babaeng anak ng mga misyonaryo ngunit napariwara dahil sa naipong galit sa mga taong tingin nya'y umabuso at gumamit lamang sa pagmamahal ng kanyang tatay sa paglilingkod sa Panginoon. Kung pagkakasala niya ang bibilangin e talagang bi-bingo na siya pero marunong siyang humingi ng patawad sa Panginoon tuwing siya'y nagkakamali. Ngunit sa dami nang nangyari sa buhay niya ay umabot na din siya sa kapagurang mabuhay pero may maganda pa ring plano ang Diyos sa kanya kaya noong panahong akala niya'y katapusan niya na ay doon siya binigyan ulit ng bagong buhay at bagong pag-asa. Matindi ang ginawang restoration ni Jesus sa buhay niya; na akala mo'y imposible na ay naiayos pa rin Niya. At muli siyang ginamit at patuloy na ginagamit ng Diyos para maging isang living testimony ng kapangyarihan Niya. Sa kasalukuyan, si Abegail ay isang OJT Pastor ng Church of God-Imus at Inspirational and Motivational Speaker din.

Glaiza de Castro with Peter Kairuz and Abegail Mesa
photo source: the 700 Club Asia


Basahin dito kung bakit tinanggap ni Glaiza de Castro ang role bilang si Abe:
http://cbnasia.org/home/2015/03/glaiza-talks-about-abe-a-role-she-has-never-done-before/


Pwede ring panoorin dito ang kanyang naunang interview at life testimony sa 700 Club Asia: 

Mababasa natin sa Matthew 14:22-33 ang paglalakad sa tubig ni Hesus at pagsubok din ni Pedro na gawin ito "by faith". 
“Lord, if it’s you,” Peter replied, “tell me to come to you on the water.”

“Come,” he said.

Then Peter got down out of the boat, walked on the water and came toward Jesus.
Salamat dahil anumang karumihan, kalokohan at kasalanan ay kaya pa ring malinis dahil sa dugo ni Jesus Christ. Kailangan lang natin gumawa ng desisyon na humingi ng tawad at isuko ang lahat ng ito sa Kanya at higit sa lahat, kailangan ay sumunod na tayo sa kalooban Niya. Mabuti na lang din, He is the Lord of second chances. Masyado Siyang mabuti at punong-puno ng pagmamahal sa atin.

Sabi nga ni Abegail Mesa sa ikalawang pagkakataon na natamo niya mula sa kabutihan ng Diyos:
"There is true love, there is real joy and there is an abundant peace. Yung tatlong iyon lahat iyon nakuha mo lang sa Panginoon, Na ang tagal mong hinanap - ang problema nakahanap ka nga, mali-mali pa. Ito one strike lang, bulls eye na!"
Sa panahong bumalik tayo sa Panginoon, ito naman ang nakasulat sa Luke 15:32:
"But we had to celebrate and be glad, because this brother of yours was dead and is alive again; he was lost and is found."
Kaya, never lose hope and faith in the Lord.
He is able to restore us because of His love and grace.

† = 


Comments