Papunta sana ako sa aking pinaka-unang Bible Study sa mga kabataan namin sa San Mateo nang naisipan kong dumaaan muna sa Supermarket upang mamili ng pang-merienda namin. At nang bago ako lumabas ay biglang may humawak sa aking balikat, paglingon ko ay ang aking kaibigang si Joy pala! Ngayon lang ulit kami nagkita matapos ang halos isang taon. Alam kong may pinagdadaanan siya ngayon at sandali kami'y nagkumustuhan. Kaya't labis akong na-encourage na kahit mahirap intindihin ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon ay lalo pa rin siyang naniniwala na may ginagawa ang Diyos sa panahong ito. Isa siya sa mga inspirasyon ko pagdating sa spiritual life, sa kanyang faith. Marami na syang "amazing life testimonies" tungkol sa kabutihan ng Diyos. Nagpaalam na rin kami agad sa isa't isa at ako'y nagsimula nang mag-abang ng masasakyan pero lumipas ang mga minuto at wala pa rin akong masakyan hanggang sa abutan ako ng pag-ulan sa kalsada.
Hintay pa din baka sakaling may dumating na jeep/fx patungong San Mateo pero puno lahat at mas nababasa na rin ako ng ulan kaya nagpasya ako sumilong sa katapat na saradong warehouse. Lalong nagalit ang langit, kumulog, kumidlat at bumuhos pa ang mas malakas na ulan. Naalala ko tuloy yung finale performance ni Gerphil Flores sa Asia's Got Talent, "she reached the extremely higher than the higher notes" ng Impossible Dream song. Wow!
Umalis na ako sa kinasisilungan ko at nagsimulang lumakad sa kadiliman at nakahanap ako ng tricycle na masasakyan pabalik sa aming tahanan. Ukulele + kape + walang kuryente = not so bad. Sinubukan ko rin magbuklat ng librong "Connected ka ba?" ni Rei Lemuel Crizaldo, kaso masyado madilim at masakit sa mata magbasa sa liwanag ng kandila. Nagligpit-ligpit na lang din ako sa kwarto. Tumagal ang brownout hanggang bago mag-alas onse nang gabi. At sa wakas, may kuryente na! "Yeheeeey!" sigaw ng aming mga kapitbahay sa tuwa.
And God said, “Let there be light,” and there was light. (Genesis 1:3)
At matapos ang lahat ng ito ay isang tula ang muling nabuo. Salamat sa Diyos dahil napaalala Niya sa akin ang story na Jesus calms the storm sa Mark 4:35-41.
He got up, rebuked the wind and said to the waves, “Quiet! Be still!” Then the wind died down and it was completely calm. (Mark 4:39)
Sa kadiliman at kalakasan man ng ulan
Hindi maitatangging kasama pa rin Kita
Naaalala ko ang mga nakasulat sa Biblia
Pati malakas na hangin ay Iyong kayang utusan
Nag-iisa ako ngunit wala akong takot na nadarama
May kapayapaan sa aking pananampalataya
At sa bawat minuto ako ay puno ng panalangin
Maipagpatuloy ko nawa ang aking lakbayin
Katulad ng alon ng pagsubok sa aking buhay
Tumataas ang tubig at maaari rin akong matangay
Ngunit sa bangka ng pag-ibig ako ay hindi mapipinsala
Lubos na makapangyarihan pa rin ang aking Bathala
Ingat po tayo mga kababayan! Alam kong waterproof ang Filipino spirit, lalo na kung yan ay ang Holy Spirit! God bless!
Comments
Post a Comment