May powers ka to be #SuperEpic!

Throwback muna tayo, isa sa mga pinaka-masayang Vacation Bible School (VBS) namin sa God is Sovereign Church - AG ay noong summer 2013 na ang tema ay "Sidekicks Reloaded" ng CSM Publishng na sumesentro sa pagtuturo na kung ang mga superheroes ay mayroong kasangga... at si Jesus Christ na ultimately powerful ay meron ding sidekicks at tayo yun! At ka-partner Niya tayo sa pagtalo sa mga super villains na sila Erfa (fear), Dubot (doubt), Tristmus (mistrust), Bellerion (rebellion) at Eil (lie). Iba yung impact ng VBS na ito noon kasi mas maraming masasayang awitin at may instructional videos pa ng dance steps, pati yung bawat motto at memory verses na iniiwan.



At ngayong 2014 naman ay isang aklat na inilathala ng OMF Literature ang nagsasabing "May powers ka to be #SuperEpic!" at isinulat ito ni Mighty Rasing(napapakinggan ko rin siya minsan sa 702 DZAS' Family Matters program). 

Manipis lang ang librong ito with 106 pages; madaling basahin lalo na't naka-Taglish at madaling makaka-relate dito ang mga mambabasang mga batang 90s, sumusubaybay sa mga kwentong superheroes at mga taong feeling hopeless na para magamit pa ang buhay upang makagawa ng pagbabago dito sa mundo at di pa nadi-discover ang sariling abilities at powers inside! Katulad ng nasabi ko sa nakaraang post ko, ay hindi naman talaga ako familiar sa maraming superheroes at sa buhay nila pero sa aklat na ito, marami-rami rin akong nakilala sa kanila tapos maganda rin ang ginawang paghahambing at paghahalintulad naman ni Sir Mighty nito sa kung ano ka at nasaan ka ngayon. 'If you know your SuperEpic purpose, it would be easier to sacrifice and give it your best shot sa practice and training. Yung purpose mo ang magbibigay fuel para makapagliyab ka nang hindi nabu-burnout.'



Ang isa ring kinagiliwan ko rito ay hindi pilit na pilit ang pagbabahagi ng Word of God at ang mga ginawa ni Jesus na ultramegasuperoverepic noong siya ay nagkatawang-tao dito sa mundo. Of course, Anak Siya ng Diyos at may kapangyarihan Siya na gumawa ng mga himala pero alalahanin din natin na ang mga pinili Niyang tawagin at sumunod sa Kanya ay mga ordinaryong tao pero sila ay na-empower sa pakikisalamuha Niya sa kanila... na-transform ang buhay nila! Sabi nga sa isang quote, "God uses ordinary people in exordinary ways for His glory." Kaya kahit ang plain o ordinary ng tingin natin sa sarili natin, iba naman ang naiisip na purpose ni Lord para sa atin. Puno ng pag-asa at panghihikayat na maging positibo ang #SuperEpic kaya sa mambabasa na lamang ang huling desisyon kung tatanggapin nya ang "challenge to start moving". Sabi nga rin sa book na ito... 'Do something good. Hindi naman kailangan super laki at earth-shaking agad. Discover your passions. Look for your vision. At pag nahanap mo na, sundin mo ang payo ng isang brand ng sapatos: "Just do it!" Be #SuperEpic!'

So may pag-asa ka pa at ako. Kaya gumalaw-galaw na at kumilos-kilos, sayang ang panahon! Kaya't buo-in na rin ang dream team na sya ring magiging support group para maisagawa ang visions! Kailangan mo lang ng: Mastermind, Cheerleader, Skeptic, Director, Mentor at Connector! Malalaman mo sa book na ito kung ano ang pwede nilang maitulong sayo. Napaka-interesting ng character ng bawat isa sa kanila at paano mo rin sila matatagpuan.


all dog photos via Google images


I rate this book, 5/5 stars. 

Available na ang #SuperEpic sa OMF Lit bookshops for PhP75. This book can also be purchased in ebook format via buqo app. Sobrang affordable, di ba? Ayos ding pang-regalo ito sa young people ngayong darating na Pasko, pwedeng-pwede para habang naghahanda ng pang-New Year's Resolutions! Go, buy na and be #SuperEpic! By the way, sample chapter is also available for download at OMF Lit's website, click here.

Comments